Sabado, Mayo 14, 2011

JOURNAL NOTES of CHRYSLER CANILAO

This was revived from the files of my mister, si Dadii Loui aka Kuya Loui na kapatid ni Chrysler ang nagbigay sa akin nito.



March 12, 2011
Anong meron?: Hindi ako masayang umalis ng Pilipinas na alam kong nasaktan ko si Mayii. Bakit mas masakit ito kesa sa pagkamatay ni Cristina noon? Asar naman, sana lang di matuloy kasal ko dito. Ayokong magpakasal.  
 
Anong nangyari?: Nakilala ko na si Cinda. Maganda siya pero…mas maganda si Mayii, mas mahal ko siya, mas gusto ko siyang pakasalan. L
 
March 13, 2011
Anong meron?: Nalaman kong hindi pala ako ikakasal.  Nagawan ng paraan ni kuya na maging citizen ako dito ng hindi nagpapakasal sa native. Dininig ni Lord ang panalangin ko.  I love you Mayii ko!
Anong nangyari?: Excited na nagbukas ng email pero wala pala siyang message, nakalimutan na ata ako. Hihintay ko na lang na mag-online siya. Binasa ko ang mga messages niya.  Ang sipag niyang magmessage, ang tipid kong magreply. Paano ako magpapagoodshot ngayon?
 
March 17, 2011
Anong meron?: Napanaginipan ko si Mayii, ang ganda niya. Ang sweet smile niya di ko maalis sa isip ko. Hehehe! Narinig ko na rin ang boses niya, paulit ulit lang na pinapakinggan ko ang boses niya. Nainis na ata si kuya, binigyan na ako ng earphones. Hehehe! Sana dumating ang araw na maka-jamming ko siya. Lalo ata akong nahuhulog. Bahala na nga.

Anong nangyari?: Muntik na akong tamaan ng lumilipad na silya. Kakaiba na talaga pag si kuya na ang nagalit.  Nangungulit na si Mayii na gumawa ako ng fecebook.  Natatakot ako baka pag nakita niya ako, di niya ako magustuhan. Kaba kaba kaba… pero nakailang next time na ako sa kanya. Baka magalit na sa kin.

March 18, 2011
Ikaw ang dahilan ng bawat musika na naiisip ko ngayon…
 
Anong meron? : Pumunta kami ni kuya sa restaurant sa kabilang kanto. Nice one may piano. Naalala ko iyong pangako ko kay Mayii. Isa lang naman ang hiniling niya sa akin, Out of My League. Pero bad trip na boses ‘to. Iniisip ko pa lang na kakanta ako, ako na mismo ang matatawa. Sakit sa lalamunan naman! Pero dahil mahal ko siya. Kahit piano version na lang (sana matanggap niya). Okay naman ang record kahit iyong cellphone lang ni kuya ang gamit ko. Hehehe!

Anong nangyari?: Nabuo ko naman ang kanta kahit may ilang nota akong palpak. Walang score sheet, ready na para ibigay sa kanya. At heto na naman ako…hmmm, nahihiya na naman ako. Pag binigay ko ito baka kung ano na namang tanungin niya. Ano namang sasabihin ko? I love you Mayii? Paano ko papanindigan ito??????????

Marami pa akong kantang naiisip para sa kanya. Ako’y sayo, Ika’y Akin, Pangarap Ko ang Ibigin Ka  (dream wedding song ko), What about us, Through the Trees, maarbor na nga ang gitara ni kuya. Hehe! Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling kumanta para sa babae. Ang alam ko lang bumalik ako sa dating ako ng makilala ko siya. Totoo kayang nagustuhan niya ang pangit kong So Close cover o nagbobolahan lang kami? Bahala na nga.
 

 March 23, 2011
Ang araw na kinakatakutan ko  L
Anong meron?: Gumawa na ako ng fb at napilitang magpost ng pic para mapasaya sana siya kaso parang di naman niya pinaniwalaan na ako yon. Ang sakit ah. Wooo! Nasa counter ako at napapalibutan ng bote ng alak, gusto kong mag-inom, may magyaya lang talaga sa akin after work makikipag-inuman ako. Oo na kasalanan ko na gago ako e. Kung di ko siya niloko noon, di mangyayari ito.
 
Anong nangyari?: Walang nagyayang makipag-inuman. Bad trip! Makadukot na lang ng canned beer sa ref ni kuya. Sinabi niyang masama ang pakiramdam niya. Lately, madalas siyang nahihilo, nag-aalala na ako. Ano ba ‘to? Siya pa rin ang naiisip ko. Walang kwentang beer, di naman ako makalimot. Tigilan ko na nga ang beer.
 
March 24, 2011
Anong meron?: Bati na kami,  ang daldal ko daw. Di naman niya sinabing istorbo ako sa paglalaba niya. Browsing her pics.

Anong nangyari?: Bumili ako ng photo paper. Printing her pics. Ilalagay ko sa labas ng pinto para di na ako dikitan ni Lizie. Hahaha! Bright Idea J

March 25, 2011
Ikaw na lang sana ang huling babaeng mamahalin ko   

Anong meron?: Tagged iyong favorite kong pic niya. Ganda ng Mayii ko talaga.

Anong nangyari?: Tinatawanan na ako ng boss naming French. Pangiti-ngiti lang kasi ako. Mukha siguro akong baliw.  Naalala ko lang, iyong Out of My League, di ko pa rin naibibigay. Paano ba?

March 29,2011
Ikaw ang lahat sa akin
Anong meron?: Tinanggap ko na. Oo mahal na mahal ko na siya.  

Anong nangyari?: Nag-treat si kuya. Bumalik kami sa magandang restaurant na yon. Napagkaisahan ako. Sinabi ko na lang na may girlfriend na ako. Proud na proud kong ikinuwento si Mayii sa kanila. Wag sanang magalit si Mayii at assuming ako. Ayun, napatugtog tuloy ako ng piano ng wala sa oras. Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang most favorite ko. Si Mayii ang lahat sa akin mula ngayong araw na ito.  
 

March 30, 2011
Anong meron?: Kami na. kami na nga kaya? Para sa akin kami na. I love you, Mayii ko. Hindi ko inasahan na tatanggapin niya iyong relationship request ko. Sobrang saya ko ngayon. Sobra-sobra.

 Anong nangyari?: Nag-aalala ako sa sarili ko, may chest pains ako. Matagal na to e. Di ko lang pinapansin.
 
April 3, 2011
Anong meron?: inoperahan ako sa puso. Ang hirap kumilos, parang lalo akong nanghina.  Pero at least eto pa rin ako. Miss ko na si Mayii , sobra.

Anong nangyari?: Nasa kama lang ako, pahirap  kay Kuya. Hanggang ngayon di ko pa rin mapaniwalaan  na tunay ko siyang kapatid. Kung alam lang ni kuya kung gaano ako kasaya na malamang tunay ko siyang kuya.  Marami kaming napag-usapan, hindi ako pwedeng sumuko sa pagsubok sa akin ngayon dahil may gagawin pa kaming importanteng  misyon ni kuya. Hahanapin pa namin ang tunay naming pamilya.
 
April 7, 2011
Anong meron? : Malungkot ako buong araw.

Anong nangyari?: Nahihirapan akong magtype sa isang kamay. Nararamdaman ko ng hindi ako okay pero di ako dapat magpahalata kay Mayii. Nag-usap kami, nauwi sa sakitan ng damdamin. Hindi ako mahihiyang amining umiyak ako. Bakit hindi niya maalala kung kelan ako unang nag-I love you? February 28. Ang sakit- sakit, nahihilo na ako. Hindi na ako okay kaya siguro kailangan ko na siyang bitawan bago ko pa siya masaktan ng sobra-sobra. Nagpalit ako ng status pero ibinalik ko rin sa dati. No, hindi ko kaya.  Mahal ko siya. Alam ni Lord kung may pagkakataon lang sana ako, pupuntahan ko siya sa Cebu. Sa holy week, pangako ni kuya uuwi kami at sasamahan niya ako kay Mayii. Malapit na kaming magkita. Sana…sana, di ko na siya masaktan pa. Mas nasasaktan ako  pag nasasaktan ko siya.
 
April 8, 2011
Runaway
Anong meron? : Inubos ko ang oras para panoorin si Mayii. Sa Ikatlong pagkakaton, sinabayan ko siya. Di ko alam kung bakit ako napapaiyak habang sinasabayan ko siyang kumanta.
 
Anong nangyari?: Nakausap ko siya saglit lang. pero napakasaya ko na non.
 

April 12, 2011
Anong meron?: Sinisikap kong lumaban kahit di ko na kaya

Anong nangyari?:  masama na ang lagay ko.  Gusto ko ng magpaalam kay Mayii pero ayaw kong baliin ang saya niya. Mukhang ang saya-saya niya ngayon habang kausap ko siya. Ang kulit ng usapan namin. Di niya lang alam, tumutulo ang luha ko habang sinisikap kong makipagbiruan sa kanila.  Bakit kailangang magkaganito ako? Hindi ko alam kung gigising pa ako bukas. Hindi ko na kaya.  Hirap na hirap na ako.